-- Advertisements --

Nakapagtala na ang Commission on Elections (Comelec) ng mahigit 1.6 million Pilipino na nakapagparehistro na para sa Barangay at Sangguniang Kabtaan elections na gaganapin sa Oktubre 30 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, lagpas pa ito sa kanilang projection na 1.5 million registrants.

Nangangahuluhgan aniya ito na inaasahang nasa 92.6 million ang boboto para sa BSKE sa Oktubre.

Kaakibat din ng mas maraming mga botante ayon kay Garcia na kailangan nilang humiling ng mas malaking pondo pa para sa nasabing halalan.

Ito ay dahil kailangan din magdagdag ng mga guro na magsisilbi sa halalan gayundin ang mga gagamiting election paraphernalia at mga balota.

Plano ng poll body na humiling ng karagdagang P3 billion para sa BSKE.