-- Advertisements --
Nais ni Commission on Elections chairman George Garcia na isagawa ang mga halalan sa bansa sa mga hinaharap na panahon sa mga mall at hindi na sa mga paaralan.
Ayon kasi sa Comelec chair mas convenient ang pagdaraos ng mall-voting dahil walang dagdag na gastusin para sa komisyon at libreng ibinibigay ng mall owners ang espasyo na paggaganapan.
Aniya, napapanahon na para humanap ng ibang lugar basta libre at dapat na abandonahin na ang mga paaralan bilang polling precincts.
Sa pagiikot ng Comelec official sa mga eskwelahan ba ginamit bilang polling centers kasabay ng BSKE kahapon, napansin ng opisyal na mas maluwag ang mga malls habang isa sa mga paaralan na kanilang binisita ay maliit ang espasyo.