LEGAZPI CITY – Nakalatag na ang mga plano ng Commission on Elections (Comelec) Albay hinggil sa pagpataas ng turnout ng muling pagbubukas ng voter’s registration sa Lunes, Enero 20.
Pagbabahagi ni Comelec Albay provincial supervisor Atty. Maria Aurea Bo-Bunao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagpulong na ang lahat ng municipal at city election officers bilang paghahanda sa registration period.
Handa na umano ang mga form na gagamitin, mga ipapatupad na sistema sa mga potential voters, maging sa pag-update ng nasa 90,000 deactivated voters.
Karaniwan aniyang problema ng mga election officers ang mahabang inilalalang registration period subalit pinipili ng karamihan na magtungo sa Comelec sa mga huling araw ng rehistrasyon.
Kaugnay nito, kani-kaniyang diskarte rin ang ipapatupad ng bawat bayan at lungsod sa paghikayat sa publiko sa maagang pagpaparehistro.