-- Advertisements --
Binalaan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga naghahangad na tumakbo sa Barangay election at Sangguniang Kabataan na mahigpit nilang babantayan ang mga premature campaigning.
Sinabi ni Comelec chairman George Garcia, na ang mga paglalagay ng mga posters bago ang campaign period sa Oktubre 19 ay maikokonsiderang premature campaigning.
Magsisimula ang kampanya sa Oktubre 19 hanggang 29 at hindi sa paghahain ng kandidatura sa darating ng Agsoto 28 hanggang Setyembre 2.
Lahat niya ng mga tinatawag na premature campaigning ay maituturing na election offense at ang lalabag na kandidato ay mapapatawan ng kaparusahan.










