-- Advertisements --

Nagbabala ang Commission on Elections na haharap sa mabigat na parusa ang mga kandidatong lalabag sa batas na mahigpit na nagbabawal sa pangangampanya ngayong araw ng Huwebes at bukas, Biyernes Santo.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia, ang campaign ban ay isang election offense case na ang pinagbabatayan ay ang Sections 263 at 264 ng Omnibus Election Code.

Nakapaloob din daw sa Section 5 ng Republic Act 7166 ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Comelec na hindi kasali ang Huwebes Santo at Good Friday sa campaign period.

Sinasabi umano ng bata na ang sinumang mga kandidato na mapapatunayang guilty sa election offense ay maaring makulong ng isa hanggang anim na taon at pagbabawalan na tumakbo sa numang posisyon sa gobyerno at matatanggalan pa ng karapatang bumoto.

Samantala ang ilang mga politiko ay nanawagan din sa ibang mga katunggali nila na bilang isang kristyanong bansa ay dapat igalang kung ano ang batas at ang paniniwala sa Panginoong Hesus.