Nagpaalaala ang Commission on Election (COMELEC) sa mga kandidato na pinagbabawal pa rin ang paggamit ng mga electronic billboard.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, na dapat maghain muna ng petisyon sa kanilang opisina ang mga kandidato sa paggamit ng mga electronic billboard.

Tinukoy nito ang paglalagay ng mga kandidato sa mga naglalakihang electronic billboard sa mga gusali at sa mga sasakyan.

May hanggang tatlong araw ang mga kandidato na tanggalin ang kanilang campaign materials sa mga electronic billboard kapag nabigyan na ang mga ito ng notifications.