-- Advertisements --
comelec chairman george garcia

Nagbabala ang COMELEC sa mga tatakbo sa BSKE na huwag magdala ng maraming tao pagkatapos mag-file ng certificate of candidacy dahil maaari itong maging rason na ma-disqualify para sa premature campaigning.

Ito ang naging paalala ni Comelec Chairman George Garcia sa pagsisimula ng opisyal na paghahain ng certificates of candidacy mula ngayong araw hanggang Setyembre 2 para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Nabanggit ni Garcia na ang isang grupo na sumisigaw ng pangalan ng kandidato o namamahagi ng mga flyers pagkatapos ng paghahain ng COC ay isang premature campaigning.

Maging ang mga poster ng mga kandidato sa mga pampublikong lugar ay maituturing na premature campaigning kung hindi papansinin ng kandidato ang mga babala ng Comelec.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga post sa social media na nagpo-promote sa kandidato bago ang opisyal na panahon ng kampanya ay mga paglabag din sa itinakdang panuntunan ng COMELEC.

Una na rito, ang opisyal na panahon ng kampanya para sa BSKE ay mula Oktubre 19-28 ng taong kasalukuyan.