-- Advertisements --

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa posibilidad nang electronic vote buying sa 2022 general elections.

Ito’y lalo pa ngayong talamak na ang cashless transactions sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, nagbabala na rin mismo si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar sa posibleng paggamit ng mga political candidates ng “e-wallets” sa pagbili ng mga boto.

Sinabi ni Jimenez na ang posibleng vote buying sa pamamagitan ng electronic money transfer services ay hindi mareresolba ng COMELEC at PNP lamang.

Kailangan aniya na magkaroon ng “common effort” para rito, kung saan lahat ng mga ahensya na nakatutok sa enforcement ng electronic money transfer services ay magtutulungan.