-- Advertisements --

Kinumpirma ni Commission on Elections Chairman George Garcia na humiling ang poll body ng dagdag na pondo para sa pagsasagawa at pangangasiwa nito sa mga halalan, referenda, recall votes at badyet sa plebisito.

Ginawa ni Garcia ang kumpirmasyon sa gitna ng word war sa pagitan nina Albay Representative Edcel Lagman at House Committee on Appropriations chair Zaldy Co ng Ako Bicol party-list.

Nauna nang sinabi ni Cong. Lagman na P12 bilyon ang isiningit sa bicameral conference committee level deliberations sa 2024 national budget dahil iginiit niya na ang Charter change initiative na itinutulak ng ilang mayoryang mambabatas ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa P14 bilyon sa ilalim ng national budget para sa 2024.

Gayunpaman, nilinaw ni Co na ang P12 bilyong dagdag na pondo para sa pagsasagawa at pangangasiwa ng Comelec sa mga halalan, referenda, recall votes at plebisito mula sa inisyal na panukala ng administrasyon sa P2 bilyon ay hindi para sa Charter change sa halip ito ay dagdag na hiniling ng Comelec at hindi rin aniya ang mga mambabatas.