-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nababahala ang Commission on Elections (Comelec) sa paglipana ng mga flying voters ilang araw bago matapos ang voter registration sa Setyembre 30.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, sinabi nito na siya mismo ang nakasaksi na hinahakot ng ilang politiko ang mga botante sakay ng truck.
Ayon kay Guanzon, nangyari ito mismo sa Western Visayas.
Nagbabala naman ang opisyal sa mga regional director na maging masiyasat sa voter registration at huwag magpagamit sa mga politiko.