-- Advertisements --

Sa kabila raw ng temporary restraining order (TRO) na inisyu ng Supreme Court (SC) sa Oplan Bakals ng Commission on Elections (Comelec) sinabi ng poll body na itutulooy pa rin nila ang kampanya nilang pagtatanggal sa mga campaign posters na oversized o nakalagay sa mga ipinagbabawal na lugar sa mga public spaces.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez lahat daw ng mga illegal posters na nakalagay sa mga pampublikong lugar ay tatanggalin nila at hindi na kasali dito ang mga nasa pribadong ari-arian.

Kung maalala, naglabas ang high court ng TRO noong Martes para itigil ang pagbabaklas ng mga posters sa mga pribadong ari-arian.

Kasunod na rin ito ng hirit ng ilang mga tagasuporta ng ilang mga kandidato na huwag tanggalin ang mga posters na nakalagay sa mga private properties.

Naniniwala ang mga petitioners na ang pagtatanggal ng mga posters ay paglabag sa kanilang freedom of expression.

Pebrero 16 nang sinimulan ng Comelec ang pagbaklas sa mga illegal campaign posters.