-- Advertisements --

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na kasalukuyan nilang tinitingnan ang isang ulat na may nakita umanong mga dokumento sa halalan sa isang bakanteng lote sa Cavite.

Ayon kay Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco na iniimbestigahan na ito ng komisyon.

Ginawa ni Laudiangco ang pahayag sa gitna ng kumakalat na video sa social media na ang ilang dokumento ng halalan ay iniwan umano “sa isang bakanteng lote sa Amadeo, Cavite.”

Humingi na ng tulong ang poll body sa iba pang ahensya.

Aniya, naipa-alam na nila ito sa Regional Election Directors ng Region 4A at ng National Capital Region, pati na din po sa Provincial Election Supervisor ng Cavite, gayun din sa Packing and Shipping Committee.