Inatasan ng Commission on Elections ang law department nito na sagutin ang kahilingan ng Impact Hub para sa pagbabayad ng P15.3 milyon sa kabila ng pagkansela ng ikatlong bahagi ng mga 2022 election debates.
Ang Impact Hub Manila ay ang opisyal na katuwang ng Commission on Elections (Comelec) sa 2022 presidential at vice presidential debates
Sa isang pahayag, inatasan din ng Comelec ang kanilang fact-finding investigation panel na agad na magsumite ng kanilang rekomendasyon sa usapin kung may nalabag sa batas at kung may tauhan na dapat na managot.
Sa isang liham na may petsang Abril 27, 2023, sinabi ng Impact Hub Manila na nananatili pa rin ang memorandum ng kasunduan kahit na ang poll body ay nagpasya na unilaterally reschedule at kalaunan ay nakansela ang nasabing debate.
Kung matatandana, nagbabala ang Impact Hub Manila na ito ay gagamit ng mga legal action sa ilalim ng batas para mabawi ang utang at maprotektahan ang interes ng kumpanya sakaling mabigo ang Comelec na tumugon o gumawa ng kaayusan sa pagbabayad sa loob ng susunod na limang araw pagkatapos matanggap ang kanilang paunawa.
Una nang iginiit ng kumpanya sa liham na sa kabila ng paulit-ulit na kahilingan, ang mga claim mula sa Comelec ay nananatiling hindi nababayaran.