-- Advertisements --

Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) ang Pebrero 12 bilang National Voter’s Day.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang pahayag, ang paggunita ay upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging isang rehistradong botante at ipaliwanag ang mga proseso ng pagpaparehistro at halalan sa mamamayang Pilipino.

Ang hakbang aniya ay upang himukin ang mas maraming tao na magparehistro bilang paghahanda para sa May 2025 midterm elections.

Nauna nang sinabi ng Comelec na target nito ang tatlong milyong bagong botante na makakilahok sa midterm elections.

Sinabi ni Garcia na ang lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong bansa ay magsasagawa ng iba’t ibang aktibidad sa Peb. 12 upang palaganapin ang kamalayan tungkol sa voter registration.