BAGO ang pagpapatuloy ng voter registration period sa Pebrero 12, hinimok ng Commission on Elections ang publiko na i-download na at gawin nang maaga ang kanilang registration forms para sa mas mabilis na pagproseso.
Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng COMELEC na si John Rex Laudiangco, na upang maging madali at mabilis ang proseso ng pagpaparehistro, maaari munang i-download ang kinakailangang application form.
I-print ito sa long bond paper at sagutan ito ng kumpleto at tamang impormasyon.
Aniya, sa ganitong paraan , kapag nagtungo sa voter registration site hindi na kailangang punan ang form at sasailalim na kaagad sa checking mula sa interviewer.
Kapag nakumpleto na ang application form, sinabi ng poll official na kakailanganin lamang ng aplikante na isumite ang kanyang biometrics data.
Kung tama aniya ang mga impormasyon ay maaari nang magpatuloy ang aplikante sa oath taking, magpakuha ng larawan, biometrics, at pirma.
Sinabi ni Laudiangco na maaaring ma-download ang application forms sa https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistra … tionsForms.
ng kasalukuyang taon.