-- Advertisements --
image 104

Hinimok ng Commission on Election (Comelec) ang House of Representatives na magtalaga ng caretaker para sa ikaltong distrito ng Negros Oriental matapos na kanselahin ang special elections sa lugar.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, ang hahalili kay dating Cong. Arnolfo Teves Jr. ay dapat na manungkulan lamang sa loob ng isang taon at hindi sa buong 3 taon.

Saad pa ng Comelec chairman na bakit pa magsasagawa ng special election kung mayroon namang idaraos na halalan sa 2025.

Pareho lamang din aniya ang tungkulin ng caretaker na magpapatupad ng mga proyekto at mga panukalang batas para sa benepisyo ng ikatlong distrito ng Negros Oriental kayat hindi aniya ito magiging problema.

Nasa pagpapasya na aniya ng Kamara na magtalaga pansamantalang caretaker na ginagawa naman aniya ng mababang kapulungan noong nakalipas na taon.

Ilan lamang dito ang pagtatalaga ng kamara ng caretaker nang maitalagang Justice Secretary si Sec. Jesus Crispin Remulla at mabakante ang kaniyang posisyon sa ikapitong distrito ng Cavite.