-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang panghihikayat ngayon ng Commission on Elections sa lahat ng mga overseas Filipino workers na magparehistro bilang mga botante para sa 2025 midterm elections.

Sa gitna ito ng goal dalawang milyong mga botante para sa naturang halalan na pinipilit na makamit ng komisyon.

Dahil dito ay muling pinaalalahanan ng Comelec ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa abroad na makiisa sa nagpapatuloy na voter registration ngayon na nakatakdang namang magtapos hanggang sa Setyembre 30, 2024.

Kaugnay nito ay sinabi rin ng poll body na Bukod sa pagpaparehistro para sa 2025 National and Local elections at maaari rin makapagpa-update ng address at iba pang mga detalye ang mga ito, gayundin ang pag-check at makapagpa-reactivate muli ng kanilang voter registration status.

Mangyari lamang na magtungo sa pinakamalapit na Philippine Embassy, Consulate General, o iba pang mga designated Regristration Centers sa Pilipinas dala ang kanilang mga valid Philippine passport.

Samantala, kasabay nito ay inanunsyo rin ng Comelec na isasagawa naman ang overseas voting para sa 2025 midterm elections mula sa Abril 12, 2025 hanggang sa Mayo 12, 2025.

Sa ngayon ay nasa isang milyong mga registered voters na sa abroad ang naitatala ng ahensya para sa naturang halalan sa susunod na taon.