-- Advertisements --
comelec chairman george garcia

Tinitingnan na ng Commission on Elections ang posibilidad na paglalagay sa bayan ng Libon, Albay sa ilalim ng COMELEC control.

Ito ay kasunod pa rin ng nangyaring pamamaril sa naturang lugar na ikinasawi ng isang kandidato sa pagka-kapitan ng brgy.

Ayon kay COMELEC Chair George Garcia, tinitingnan nila ang lahat ng angulo sa naturang pagpatay.

Hinihintay lamang aniya ang rekomendasyon ng Regional Director ng Region5 para sa kaukulang aksyon.

Maaari aniyang isailalim ito sa COMELEC control o kung hindi man ay sa kategoryang hotspot.

Kung isasailalim ito sa hotspot, mas maraming militar at pulisya ang kailangang ipadala sa naturang lugar.

Habang kung isasailalim ito sa Comelec control, mabibigyan ng otoridad ang komisyon na pangunahan o i-supervise ang mga administrative function sa naturang lugar.

Sa kasalukuyan, mayroong 27 na lugar sa buong bansa na nasa ilalim ng areas of concern, na una nang kinumpirma ng PNP.

Maalalang pinatay si Brgy Captain Alex Repato sa kanyang tahanan sa Brgy San Jose, Libon, Albay, sa mismong araw ng pagsisimula ng filing ng COC.