-- Advertisements --

Nagdeklara rin ng work suspension ang Commission on Elections (Comelec) sa mga field office nito na apektado ng malakas na lindol na tumama sa Abra at ilang parte ng Luzon.

Ayon kay acting spokesperson Atty. Rex Laudiangco, sa inisyung memorandum sa ilalim ng direktiba ni acting chairperson Commissioner Rey Bulay, Executive Director Bartoome Sinocruz Jr., sinuspinde muna ang pasok sa lahat ng lugar na direktang naapektuhan ng lindol.

Inulat din ng Comelec official na walang Comelec field office ang nagtamo ng anumang malubhang pinsala at wala ding election field officer o staff ang nasugatan mula sa Comelec regional election directors partikular na sa Region 1,2,3 at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Inatasan na rin ng Comelec en Banc ang lahat ng regional election directors na magsumite ng kanilang reports matapos i-assess ang kanilang respective field officers at operations.