-- Advertisements --

Mananatili sa puwesto bilang gobernador ng Camarines Norte si Edgardo Tallado matapos paburan ng Supreme Court (SC) ang petisyon nito sa Commision on Elections (Comelec) resolution na nagdi-disqualify sa kanyang kandidatura noong May elections.

Sa botong 8-6 sa en banc session noong Martes, kinatigan ng Korte Suprema hukuman ang petisyon ni Tallado na ibasura ang resolusyon ng Comelec na idisqualify siya.

Magugunitang Mayo 10 noong Mayo 13 naglabas ng status quo ante order ang SC para pigilin ang pagpapatupad ng disqualification kay Tallado dahil tapos na niya ang kanyang tatlong termino.

Pero ikinatwiran ni Tallado na hindi niya nabuo ang huli nyang termino bilang gubernador dahil sa ipinataw ng ombudsman na tanggalin siya sa pwesto dahil sa kaso ng katiwalian.

Ito ay kahit pa naibalik siya bilang gobernador makalipas ang ilang buwan matapos baliktarin ng Korte Suprema ang desisyon ng Ombudsman na pagtanggal sa kanya sa puwesto.

Nanalo si Tallado sa halalan noong Mayo.

Kabilang sa walong bumoto para ipawalang bisa ang disqualification ng Comelec kay tallado sina Chief Justice Lucas Bersamin na siyang sumult sa desisyon, Justices Diosdado Peralta, Alexander Gesmundo, Andres Reyes Jr., Jose Reyes Jr., Amy Lazaro-Javier, Henry Jean Paul Inting, at Rodil Zalameda.