Bukas pa rin ng Commission on Election (COMELEC) na makipag-usap sa pamunuan ng National Movement for Free Elections (NAMFREL).

Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, na walang mangyayaring pagpipilit sakaling hindi pumayag ang NAMFREL.

Hindi rin nito matiyak kung maibabalik ba ng Comelec En Banc ang accreditation ng Namfrel.

Nauna rito kumalas ang NAMFREL sa COMELEC na maging citizens arm matapos na hindi sila napagpbigyan sa kanilang hiling na masilip ang ilang data na gagamitin para sa May 13 elections.