Magpapasaklolo umano ang Comelec sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para mabantayan ang posibleng vote buying, gamit ang online money transfer systems.
Ayon kay Comelec Comm. Rowena Guanzon, pinaghahandaan na nila ang contact less din na estilo ng pagbili ng boto, dahil sa “new normal.”
Sinabi ni Guanzon na kahit nasa ilalim pa tayo ng pandemya, tuloy-tuloy naman ang trabaho ng poll body, bilang paghahanda sa darating na 2022 elections, pati na ang pag-aaral sa mga nangyayaring iligal na aktibidad sa panahon ng halalan.
Sa ngayon, kinukonsulta na rin ng komisyon ang University of the Philippines School of Economics at iba pang mga eksperto, para tingnan ang mga pagbabagong kaakibat ng kasalukuyang sitwasyon at kung paano mapapanagot sa batas ang mga gumagawa ng election related violations.