Reading Time: 1 minute

LEGAZPI CITY – Dapat umanong abangan ang comeback live performance ng isa sa 12 finalists ng 3rd Nationwide Bombo Music Festival.

Ito ang ikalawang beses nang pagsali at pagiging finalist ni Winset Rose Hacot na tubong Cagayan De Oro City sa naturang prestihiyosong songwriting competition kaya magkahalong saya at excitement aniya ang nararamdaman.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ibinahagi nitong siya pa rin ang magiging interpreter ng sariling komposisyon na may pamagat na “Kung Mahal Mo Siya.”

Matagal na aniyang nagsusulat ng kanta si Hacot subalit nasa limang taon na ang nakakalipas ng simulan na isali ang mga ito sa songwriting competition.

Dagdag pa nito na kakaibang kaligayahan ang hatid kung naririnig ang sariling gawang kanta na kino-cover ng ibang artists.

Nabatid na dalawang kanta pa ni Hacot ang nakapasok sa semis kaya nakakataba umano ng puso na naa-appreciate ang kanilang obra.