DAGUPAN CITY – Arestado ang isang college student sa lungsod ng San Carlos sa isinagawang drug operation ng pulisya sa Brgy. Mamarlao ng nasabing lungsod.

Kinilala ang suspek na si Jerome Ramos alyas ‘Senior Mabalasik,’ 23-anyos at residente ng Brgy. Agdao, Dagupan City.

Inaresto si Ramos matapos mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kasama pang buto nito at fruiting tops.

Nakumpiska rin mula sa kanya ang dalawa pang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakabalot sa foil; P500 sigarilyo; at isang tubo na naglalaman ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kaso laban kay Ramos.