Ipinagmalaki ngayon ng Bureau of Collections (BoC) ang kinalabasan ng kanilang koleksiyon matapos malagpasan na ang 2022 target.
Ayon sa Bureau of Customs, noon pang Nobyembre 11 ay nakakolekta na ang mga ito ng P745.50 billion at naabot ang highest annual collection sa kasaysayan ng Customs.
Ang amount na kanilang nakolekta noong November 11 ay nasa 3.27 percent na o P23.98 billion sa target nila ngayong taon na P721. 5 billion.
Base raw sa preliminary report, lahat ng 17 collection districts ng bureau ay naabot na ang respective collection targets at naitala ang surplus na 16.8 percent o P103.29 billion noong October 31.
Ang nakolekta namang revenue ngayong taon ay nalagpasan na ang pre-pandemic tax take na P630.31 billion noong 2019.
Noong nakaraang taon, nakakolekta ang BoC ng P645.765 billion habang ang 2020 collection ay pumalo sa 539.660.
Pinangunahan naman daw ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang BOC sa pag-abot sa remarkable feat sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng kanilang priority programs para masawata ang smuggling at corruption, makuha ang revenue collection maging ang digitalize at enhance customs operations.
Ayon naman sa attached agency nitong Department of Finance, ang priority programs nila ay base na rin sa eight-point socioeconomic agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Isa sa mga streamlining measures na ipinatutupad ng BoC ngayong taon ay ang integration ng logistics at supply chain management platforms ng bureau at ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA).