Sinagot ni Coleen Garcia ang paratang ng ilang fans niya na hindi siya masaya mula noong ikasal ito kay Billy Crawford.

Ayon sa 27-anyos na actress, na maaring madalang na siyang mag-update sa kaniyang social media account kaya akala ng mga fans nito na malungkot siya.

Dagdag pa nito na pinili niyang manahimik at maging pribado ang buhay kaya tahimik ito sa social media.

Tiniyak nito na masaya ito sa piling ng asawang si Billy na ikinasal ang dalawa noong Abril 20, 2018.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here