Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Makati na pansamantala munang sususpendihin ang modified number coding scheme kasabay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Narito ang mga petsa na suspendido ang number coding scheme sa lungod ng Makati:

December 24 (Christmas Eve)
December 25 (Christmas Day)
December 30 (Rizal Day)
December 31 (New Year’s Eve) and,
January 1 (New Year’s Day)

Ang mga sasakyan naman na may dalawa o higit pang pasahero na sakay ay exempted mula sa number coding scheme at hindi huhulihin ng mga otoridad.

Samantala, tinanggal din ang number coding scheme sa kalakhang Maynila dahil nagpapatuloy naman ang pampublikong transportasyon kahit limitado lamang ang passenger capacity.