Masayang iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na maayos ang takbo ng filing ng certificates of candidacy (COC) hanggang kaninang tanghali para sa mga tatakbo sa 2022 national elections.
“So far the filing has proceeded smoothly… For the most part, compliance with health protocols is good,” ani Jimenez.
May mga pagkakataon man aniya na kinailangan ng mga poll officers na paalalahanan ang publiko na panatilihin ang wastong distancing sa gitna ng pandemya, pero karamihan naman aniya sa mga indibidwal na nasa venue ay compliant sa health standards na ipinatutupad ng pamahalaan.
Lahat ng mga tutungo sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila compound, kabilang na ang media, ay kailangan na makapagpakita ng negative COVID-19 test result na valid sa loob ng 24.
Ang COC filing ay tatakbo simula ngayong araw, Oktubre 1, hanggang sa Oktubre 8, 2021.