Pinaigting pa ng Philippine Coast Guard District North Western Luzon, dahil sa banta ng super typhoon Egay sa rehiyon.
Katuwang ng tanod baybayin ang local government units (LGUs) para sa nakahanda ang mga deployable response groups (DRGs) sa pagsagip o paglikas ng mga residenteng maaapektuhan ng sama ng panahon.
Tuluy-tuloy din ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan para masiguro ang kaligtasan ng mga mangingisda, tripulante at pasahero.
Samantala, sinisiguro rin ng PCG ang agarang pag-responde sa oras na magkaroon ng aksidente sa karagatan dulot ng malakas na hangin at malalaking alon.
Sa ngayon, nakakaranas na ng malalaking alon sa mga dalampasigan sa Luzon, dahil sa super typhoon Egay at sa pinaiigting nito na hanging habagat.