-- Advertisements --

Mistulang nakahinga na rin ng maluwag ang national coach na si Chot Reyes dahil sa unang pagkakataon ay nakadalo na rin nitong araw ang higanteng 7-foot-3 na si Kai Sotto sa kanyang unang praktis sa Gilas.

Una nang dumating nitong nakalipas na araw si Sotto mula sa Australia matapos na mabigo kamakailan sa 2022 NBA Draft.

Sinasabing malaking bagay ang presensiya ni Sotto bilang pantapat ng Pilipinas sa malalaking kalaban na koponan.

Liban kay Sotto, tuloy na rin ang pagdating sa bansa nitong Biyernes ng gabi ang NBA star na si Jordan Clarkson ng Utah Jazz, upang maging bahagi rin ng national team na Gilas Pilipinas.

Inaasahang hahabol si Clarkson sa practice ng koponan bago naman tumulak sa darating na Lunes papunta ng Lebanon kaugnay sa fourth window FIBA World Cup qualifiers.

Ang dating NBA Sixth Man of the Year ay maglalaro sa ilalim ng bandila ng Pilipinas bilang isang naturalized player.