Pinuna ng Commisison on Audit (COA) ang Department of Tourism dahil sa hindi paggamit nito ng pondo.
Base kasi sa ulat ng COA na hindi nagamit ng DOT ang lahat ng kanilang pondo noong 2021.
Sa kabuuang P2.79 bilyon na pondo ay mayroong P2.1-B lamang ang nagamit.
Napapaloob sa hindi nagamit na pondo ang P34.14-M para sa tourism development planning, P10.28-M para sa tourism industy training, P9.13-M sa tourism standards regulations, accreditation and monitoring ; P147.2 million in market and product development ; ilang P291 million para sa branding campaign .
Idinahilan ng DOT na kaya hindi nila nagamit ang pondo ay dahil sa travel restriction bunsod ng COVID-19 pandemic.
Buwelta ng COA na dapat alam na ng DOT ang gagawin dahil sa 2 taon ng nag-ooperate ang ahensiya nitong pandemic.