-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos kwestyunin ang higit P1-bilyong kontrata na ipinasok nito sa isang international agency.

Batay sa annual audit report ng COA, nabatid na kulang ng mga dokumento ang Pipol Konek program ng DICT.

Kabuuang P1.362-bilyon umano ang halaga ng kontrata na ipinasok ng kagawaran sa United Nations Development Programme (UNDP).

Ayon sa state auditors, inilipat din ng DICT sa UNDP ang ownership ng mga equipment, supplies at property sa ilalim ng Financing Agreement.

Giit ng COA, tila ibinenta ng kagawaran sa organisasyon ang proyekto ng gobyerno.

Taliwas sa nilalaman ng Republic Act 10929 o Free Internet Access Act, kung saan hindi sakop ang divestment ng pondo ng gobyerno kahit pa pumasok ito sa partnership.

“In essence, therefore, the contribution of P1,362,084,618.28 by DICT constitutes donation to UNDP. And because the funds are now part of UNDP’s financial resources and are its assets and ownership of equipment, supplies and other property financed from the contribution vests in UNDP, it appears now that Pipol Konek becomes entirely a project of the UNDP and not of DICT.”