Nagkaisa ang mga miyembro ng National fisheries and aquatic resurces and management council(NFARMC) na ilipat ang panahon ng pagpapatupad ng tatlong buwan na closed fishing season sa karagatang sakop ng zamboanga peninsula para sa isdang tamban o isdang sardinas.
Sa kasalukuyan kasi ay nakalatag ang fishing ban sa isdang tamban mula Disyembre hanggang Marso ng kada taon.
Pero sa desisyon ng Natioanl Fisheries Council, ililipat na lamang ito mula November 15 hanggang February 15.
Ito ay magsisimula na ngayong taon.
Ginawa ng BFAR ang naturang pagbabago matapos lumabas ang resulta ng pag-aaral ng National Stock Assesment Program at iba pang ahensiya na nasa ilalim ng DA na ang pangingitlog ng sardinas o tamban ay pinakamataas mula Octubre hanggang Enero.
Isinasagawa kasi ng ahensiya ang regular na pag-aaral bilang pagtupad sa kautusan ng BFAR na regular na suriin ang mga ipinapatupad na fishing ban sa ibat ibang marine products sa buong bansa.
Ang naturang fishing ban period ay epektibo rin sa iba pang mga maliliit na isda katulad ng galunggong sa Visayan Sea.
Ang isdang tamban/sardinas, ang kadalasang hinuhuli ng mga commercial fishing vessel sa bansa at ginagamit bilang canned sardines. Sa panahon ng fishing ban, pinagbabawalan ang mga commercial fishing companies na manghuli sa mga naturang isda.