-- Advertisements --

Kinokonsidera na raw ng Department of Health (DOH) ang pagsasailalim sa COVID-19 testing nga naka-close contact ng positive cases kahit sila ay asymptomatic.

“Hindi malayo na maaaring ma-test din ang close contacts o mga taong may exposure. Aming pinag-aaralan at patuloy na pinaiigting ang kakayahan ng ating mga laboratoryo na gumawa ng tests. Maging ang dami ng mga test kits sa ating bansa.

Aminado ang kalihim na halos 80-percent ng mga nag-positibo ay nasa Luzon, partikular na sa NCR.

Sa labas naman ng rehiyon, pinakamarami ang naitalang COVID-19 case sa Davao na 79 at Central Visayas na 39 reported cases.

Patuloy pang kinakalap ng DOH ang impormasyon tungkol sa lagay ng higit 3,000 pasyente na naitalang positibo sa COVID-19.

Batay kasi sa hawak na datos ngayon ng DOH, mula sa 3,764 na updated total number of positive cases: 274 ang mild case, 39 ang severe, habang 23 ang kritikal.