Steve Ballmer
Clippers owner and ex-Microsoft CEO na si Steve Ballmer

Nagbuhos ng malaking halaga ang may-ari ng NBA team na Los Angeles Clippers at dating Microsoft CEO na si Steve Ballmer bilang tulong sa epekto ng coronavirus crisis

Nangako si Ballmer at misis nito na si Connie ng $25 million sa pamamagitan ng Ballmer Group upang pondohan din ang paghahanap ng vaccine laban sa deadly virus.

Paglalaanan daw ng $10 million ang University of Washington para sa research.

Habang ang iba pang pera ay upang pondohan ang kumunidad sa Seattle, Los Angeles at Southeast Michigan.

Ang bilyonaryong si Ballmer ang pinaka-latest sa mga sports executives, team owners, mga athletes at celebrities na nagbigay din ng mga donasyon para sa giyera kontra COVID-19.

Batay sa pagtaya ng Forbes si Ballmer ay merong kayamanan na aabot $57.3 billion.