Matapos ang apat na buwang pananahimik, nagparamdam na uli ang Filipino-German model na si Clint Bondad sa online world.

Ito’y sa pamamagitan ng tinatawag na IG story kung saan nag-post ito ng larawan ng dalawang asong nagpapahinga habang nagnu-nose-to-nose at ito raw ang kanyang “mood.”

Kaagad namang napansin ng mga followers nito ang presensya pa rin ng mga larawan nila ng dating girlfriend na si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Clint retains Cat pic 2
some screenshots from Clint’s IG as of June 25, 2020

May mga kinilig pa rin ngunit mayroong mga nalungkot para kay Clint lalo’t kamakailan lang nang aminin na ng singer na si Sam Milby na kasintahan na nito si Catriona.

sam milby catriona gray
samuelmilby
Worth every second of the wait. Most special birthday yet

Sa panig ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, wala pa rin itong “say” sa bagong love life sa piling ni Milby, 36.

Abril noong nakaraang taon o mahigit isang buwan lamang matapos ang kumpirmasyon na nauwi na sa hiwalayan ang anim na taong relasyon nila ni Gray, naging usap-usapan ang uamno’y kissing photo ni Clint kasama ang isang hindi kilalang babae habang nasa isang bar.