-- Advertisements --
DOH office
DOH

Susunod na rin ang Pilipinas sa inilabas na guidelines ng World Health Organization hinggil sa pagbibigay ng hydroxychloroquine sa mga pasyente bilang gamot sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ititigil na ng bawat ospital sa bansa ang pag-administer ng naturang anti-malarial drug sa kanilang mga pasyente alinsunod na rin sa utos ng WHO.

Nagbunsod ang temporary pause ng drug trial matapos ilathala ng isang medical journal sa ibang bansa ang nakuha nitong impormasyon kung saan nakita na ang mga indibidwal na gumagamit ng hydroxychloroquine ay mas mataas ang tsansa na atakihin sa puso o di kaya’y mamatay.

Dagdag pa ni Vergeire na hindi nila isasapubliko ang magiging resulta ng drug trial.

Patuloy naman na sumasailalim sa testing ang iba pang gamot tulad na lamang ng experimental drug na remdesivir at HIV combination therapy.

Bago ito ay kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na 148 pasyente at 24 na ospital ang sumali sa solidarity trial na pinangangasiwaan ng WHO.