Ipinanawagan ng Climate Change Commission ang pagttutulungan ng publiko para mapangalagaan ang mangrove ecosystem ng bansa.
Ginawa ni CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert Borje ang naturang panawagan, kasabay ng pagdiriwang ng National Clean-up Month ngayong Setyembre.
Ayon kay Borje, kailangang mapangalagaan ang mga dalampasigan at mga katubigan ng buong bansa, kung saan pangunahing nagiging pamahayaan ito ng mga bakawan.
Mahalaga aniya na mapangalagaan ang mga bakawanan sa buong bansa dahil nagsisilbi ang mga ito bilang proteksyon ng mga coastal towns mula sa mga storm surge, at tirahan ng iba’t ibang uri ng hayop.
Panawagan pa ng opisyal na maging aktibo sa paglilinis ng mga basura sa mga dalampasigan dahil nagsisilbing hamon ang mga ito sa paglaki ng mga bakawan.
Inihalimbawa ni Executive Director Borje ang plastic pollution na nagdudulot din ng banta sa mga bakawan gayundin sa mga hayop na nakatira sa mga ito.