Naaresto ang dalawang climate activist matapos na idikit ang kanilang sarili sa mga painting na ginawa ng mga sikat na pintor sa museo ng Europa
Makikita ang isang lalaki at isang babae ang nakadikit sa “La Maja Vestida” o The Clothed Maja painting ni Goya at sa kanyang “La Maja Desnuda” o The Naked Maja na ginawa pa noong 18th at 19th century.
Nag-sulat pa umano ang mga ito sa dingding sa pagitan ng dalawang obra na may naklagay na “+1.5 C”.
Ang mga climate activist ay nagsagawa ng isang serye o protesta noon pang nakaraang linggo sa pagbuo sa COP27 climate change conference sa Egypt.
Kinumpirma naman ng museo na hindi nasira ang paintings at mabilis din nabura ang sulat sa dingding na tinakpan nalang ng pintura.
Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang dalawang climate acivist na nag protesta at nangulo sa museo.