Nagpahayag ng papuri ang Department of Tourism (DOT) ang clearing operations ni Manila Mayor Isko Moreno sa Divisoria, Quiapo at iba pang maruruming lugar sa lungsod.

Sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado, hindi maikakailang maraming turista ang nagtutungo sa Maynila para bumisita sa mga hostorical areas gaya ng Luneta Park o Rizal Park, Intramuros at maging sa Divisoria na itnuturing na shopping haven ng mga turista.

Ayon kay Asec. Alabado, ngayong malinis na ang Divisoria at Quiapo, tiyak na mas mapapabibilis ang mobility ng mga turista.

Inihayag ni Asec. Alabado na nakikipag-ugnayan ang Department of Tourism sa tanggapan ni Mayor Moreno maging sa Intramuros administration office para matulungan ang mga vendor na naapektuhan ng clearing operations ng city government.

Magugunitang tumatanggap ng papuri si Mayor Moreno mula sa iba’t ibang sektor dahil sa ginagawa nitong paglilinis sa Maynila.

-- Advertisement --