-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Nagsagawa na ng cleaning at clearing operations ang ilang mga lugar mula sa kwatro distrito sa lalawigan ng Pangasinan matapos ang pinsalang naidulot ng Supertyphoon Egay.

Kabilang dito ang mga bayan ng Mangaldan, Manaoag, at syudad ng Dagupan.

Sinimulan na ang paglilinis ng City Disaster Risk Reduction Management Office ng Dagupan partikular sa Zamora Street dahil ilang mga puno ang nagtumbahan dulot na rin ng pagdaan ng buhawi.

Agad din namang rumesponde ang Dagupan Electric Corporation katuwang ang City Engineering office ang natumbang malaking puno na apektado ang mga kable ng kuryente at ng ilang mga streetlights sa barangay ng Binloc.

Nadamay rin ang isang bahay na natumbahan ng malaking puno.

Gayunpaman, wala namang naitalang nasugatan o nasaktan sa pangyayari.

Sa kaugnay na balita, dalawang poste naman ng kuryente ang natumba sa brgy. Guilig at Landas sa bayan ng Mangaldan dahil sa naranasanang malakas na bugso ng hangin.

Agad naman umano itong inayos ng Electric provider ng bayan.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglilibot ng mga otoridad ng mga nasabing bayan upang tiyaking wala ng naiwang pinsala ang bagyong Egay.