Reading Time: 1 minute
Claudine Barretto
Claudine Barretto/ IG post

Masayang ibinahagi ni Claudine Barretto ang nalalapit na pagbabalik nito sa showbiz.

Ayon sa 40-anyos na actress, na mas ligtas at masaya siya sa showbiz.

Bagamat mahigit tatlong taon itong hindi gumawa ng pelikula ay pinatunayan pa rin nito na hindi pa rin ito nawawalan ng pakikipag-ugnayan sa ilang kaibigan niya sa showbiz.

Sabik na rin ito sa muling pagtatambalan nila ni Piolo Pascual sa isang bagong pelikula.

Huling lumabas sa pelikula ang actress noong 2015 sa pelikulang “Etiquette for Mistresses”.