Hindi makapaniwala ang beteranong aktres na si Claudine Barretto sa pagpanaw ng komedyanteng si Chokoleit.

Ayon kay Claudine, isa sa mga mabubuti at loyal na kaiban niya si Chokoleit, na sa totoong buhay ang pangalan ay si Jonathan Aguilar Garcia.

“Thank u Choko isa kang LOYAL na kaibigan. mahal na mahal kita at d kita makakalimutan kahit kalian,” saad ni Claudine sa kanyang Instagram post.

Magugunitang nagkasama ang dalawa sa ilang pelikula, subalit tumatak ang kanilang tambalan sa fantaserye na “Marina” na pinagbibidahan ni Claudine.

Si Chokoleit ay sumakabilang buhay kagabi sa edad na 48.