“So far so good” ang pagbubukas ng klase ngayong araw, June 4, 2018.

Ito ang sinabi ni PNP Chief P/D/Gen. Oscar Albayalde lalo’t wala silang natatanggap na report na may mga untoward incidents sa PNP Monitoring Center mula sa kanilang field personnel.

Una nang ipinag-utos ni PNP chief ang paglalagay ng mga police assistance desks sa bawat paaralan na mamandohan ng dalawang pulis.

Maliban pa aniya ito sa mga security personnel na naka-assign sa mga clusters ng mga eskwelahan.

Ayon pa opisyal, mananatili ang mga pulis sa mga paaralan hanggang sa mag-normalize na ang pagpasok ng mga estudyante.