IMG 20190612 112425

Nanawagan ngayon ang chief justice ng Supreme Court (SC) na si Lucas Bersamin na magkaisa ang sambayanan para matamasa ang tunay na kalayaan na ipinaglaban noon ng ating mga bayani.

Sa kanyang talumpati sa ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Bonifacio National Monument sa Caloocan City, hiniling ni Bersamin na isantabi muna ang isyu sa pulitika at magkaisa.

Naniniwala ang punong mahistrado na walang ibang makapagbibigay ng solusyon sa mga problema ng bansa kundi tayo ring mga Pinoy.

Inihayag din niyang huwag sana tayong umasa sa tulong ng mga dayuhan o kung may ipaaabot mang tulong ang ibang mga bansa ay dapat umanong wala itong kondisyon.