-- Advertisements --

Sumakabilang-buhay na ang isa sa mga tinaguriang Civil Rights legend ng Estados Unidos na si John Robert Lewis sa edad na 80 matapos ang anim na buwang pakikipaglaban nito sa sakit na cancer.

Si Lewis ay anak ng sharecroppers na nakaligtas mula sa brutal na pananakit ng mga kapulisan sa Amerika noong 1965 march sa Selma, Alabama.

Kinumpirma ang malungkot na balitang ito ng pamilya ni Lewis sa pamamagitan ng isang pahayag. “He was honored and respected as the conscience of the US Congress and an icon of American history, but we knew him as a loving father and brother. He was a stalwart champion in the on-going struggle to demand respect for the dignity and worth of every human being. He dedicated his entire life to non-violent activism and was an outspoken advocate in the struggle for equal justice in America. He will be deeply missed,”

Namatay ito sa parehong araw na pumanaw ang civil rights leader na si Rev. Cordy Tindell, 95-anyos. Ang sabay na pagkamatay ng dalawang civil rights icon ay kasunod na rin ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa hindi matapos-tapos na isyu ng racism.

Nakiisa rin si House Speaker Nancy Pelosi sa dalamhati na nararamdaman ng mga Amerikano dahil sa pagpanaw nina Lewis at Tindell.

“Today, America mourns the loss of one of the greatest heroes of American history: Congressman John Lewis, the Conscience of the Congress,” wika ng California Democrat.

Si Lewis ay isa ring Democrat na halos tatlong dekadang nagsilbi bilang US representative ng 5th congressional district sa Georgia. Mas naging kilala ito dahil sa kaniyang taglay na moral conscience sa Kongresp dahil sa mahabang panahon nitong paninidigan sa kaniyang paniniwala hinggil sa civil rights.