Ibinunyag ngayon ni Vice Mayor Michael Rama na kasalukuyang naka-admit sa isang pribadong ospital nitong lungsod ng Cebu si City Mayor Edgardo Labella.
Sinabi pa ni Rama na nakakaranas ng medical condition ang alkalde simula pa nitong Enero 17 dahilan na hindi ito nakadalo sa opening ceremony ng virtual Sinulog rewind.
Aniya, 2 days leave lang ang inihain ni Labella at itinanggi ng bise alkalde na nacomatose ito at nangangailangan ng mas mahabang leave of absence.
Pansamantala namang uupo si Rama bilang acting mayor habang acting vice mayor naman si Konsehal Dondon Hontiveros na siyang first councilor ng lungsod.
Inihayag pa ni Rama na wala namang tagubilin mula sa alkalde kung ano ang uunahin ngunit tiniyak niya kay Labella na maayos ang kanyang pagpapatakbo sa lungsod habang siya ay nagpapagaling.