Nagdesisyon ang organizer ng Cinemalaya short film festival na gawin na lamang ito online.

Isasagawa ito mula Agosto 14-23 ang Cinemalaya Online Short Film Festival and Competition.

Dagdag pa ng organizers na dahil sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 kaya minabuti na lamang nilang gawin itong online.

Nakatakdang ianunsiyo ng mga organizers ang mga short film festival na kasali sa nasabing festival.