-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang reigning 2021 Ms Intercontinental na si Cinderilla Faye ‘ Cindy’ Obeñita na papasukin ang buhay-artista kung mayroong pagkakataon upang makaabot sa industriya.

Ito ang kasagutan ng 25 anyos na Cagayan de Oro beauty queen sa tanong kung ano ang nakalatag na mga plano habang isinakatuparan ang kanyang pagiging Bb Pilipinas at Ms Intercontinental kaugnay ng kanyang pagharap sa local media ng lungsod nitong araw.

Pinahintulutan kasi ng Ms Intercontinental Organization si Obenita na makauwi muna sa Pilipinas partikular sa kanyang hometown dahil sa mga aktibidad na mayroong kaugnayan sa hawak niya na katungkulan.

Kinompirma ni Cindy na mayroon ng ilang television networks ang nag-iimbita sa kanya upang magiging program o segment guest.

Kinatigan rin nito ang unang sinabi ng kanyang ina na si Leticia ‘Letty’ Ello Obeñita sa Bombo Radyo na magpo-proceed muna ito ng kanyang communication degree masters at kung magtuluy-tuloy ng bumuti ang kalagayan ng mundo laban sa COVID-19 ay sasabak sa siya sa Ms Universe sa susunod na mga taon.

Kaugnay nito,tiniyak naman ni Misamis Oriental Governor Bambi Emano na kahit wala na ito sa katungkulan sa probinsya ay mananatiling bukas ang kanyang tanggapan para kay Cindy.

Si Cindy na 2019 Ms Cagayan de Oro at kasalukuyang senior tourism promotion officer ng provincial government ay unang ipinadala ni Emano upang representahan ang Misamis Oriental sa Bb Pilipinas pageant.

Bagamat naantala ng ilang beses dahil sa pandemya subalit naisakatuparan rin noong Hulyo 2021 kaya isa si Cindy ang nagwagi sa Bb Pilipinas at kumakatawan para sa Ms Intercontinental 2021 sa bansang Egypt noong Oktubre 29,2021.