-- Advertisements --

Hinimok ng isang Catholic bishop ang gobyerno na mabilis na kumilos para sa pagpapalaya sa mga seafarers, kabilang ang 17 Pilipino, na hostage sa isang barko ng mga rebeldeng Houthi sa baybayin ng Yemen.

Hinimok ni Bishop Ruperto Santos ng maritime charity Stella Maris-Philippines ang mga awtoridad na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para mapadali ang pagpapalaya sa mga marino.

Ang mga Filipino seafarer ay sakay ng isang Israeli-linked cargo ship na Galaxy Leader na na-hijack sa isang helicopter-borne attack ng mga Houthis na suportado ng Iran sa southern Red Sea noong Nob. 19.

Ang mga rebelde ay naglulunsad ng mga drone at long-range missiles sa mga target ng Israel bilang pakikiisa sa Hamas.

Sinabi ng Philippine foreign affairs department na habang ang barko ay pag-aari ng Israel, ito ay pinamamahalaan naman ng isang Japanese company.

Tiniyak ni Santos, sa mga bihag at kanilang pamilya ang kanyang mga panalangin sa panahon ng naturang sitwasyon.